Hello guys..Im new here, hope you can help me with my prob.

My story is kinda long so to make it short, nagbreak kami ng bf ko kasi ganito yun...

Nagkatampuhan kami ng bf ko dahil nagselos siya..so walang communication kahit sa text for a couple of days.

Then wednesday un, nagkachat kami ng kapatid ng ex gf niya, mahabang usapan sa chat syempre. Lahat ng tungkol sa bf ko naungkat, ung mga kalokohan na ginagawa niya dati at ngaun (kasi tong ex niya is neighbor lang nila) so nakikita raw nila na may kasamang ibang babae si bf ko everynight. I dunno kung totoo ung mga sinasabi nya kasi the fact na ako yung gf now is baka sinisiraan nya lang sakin si bf ko. Pero napapaisip din ako somehow kasi si bf ko may pagkasinungaling kasi at maraming katext..grabe sa dami!! At nahuli ko na rin siya sa text na may sinasabihan ng i miss you, i love you para pa ngang magkikita sila.

Then marami pa silang sinabi, na kesyo pinagkakalat daw ng nanay ng bf ko na ayaw niya sakin etc.. masasamang bagay pa yung sinabi. Ito kasing nanay niya,pagpumupunta ako sa kanila masama kung makatingin at di pa ako kinakausap kahit binabati ko naman siya..so parang naniwala na ako dun sa sinabi sa chat.

So ayun na,sobrang galit na galit ako..fresh pa kasi ung feeling of hatred sakin kaya gumawa ako ng sulat na pagkahaba haba para sa bf ko. I was expecting that night pupunta si bf sa tambayan namin, dun sa bahay ng bestfriend namin. At pumunta nga siya dahil tinext siya ng kaibigan ko at nag usap pala sila that night. My friend suggested him to fix our problem at mag usap na raw kami. (pero di ko alam na ganun ung mga sinabi ng friend ko kasi nalaman ko lang un after I gave the letter to my bf.)

I went to my friends house then I immediately gave the letter to him and walk away. Tapos nalaman ko sa text na nakauwi na pala si bf sa bahay nila. Ayun nakareceive na ako ng text mula sa kanya. Lahat puro galit yung nilalaman. At todo away talaga kami sa text hanggang sa nakatulugan ko na. Paggising ko the next morning, nakareceive ako ng text na naman mula sa kanya. Sabi nya wag mo raw mumurahin nanay ko kasi mas beyatch ka..mga ganun ung linya (minura ko kasi nanay nya sa sulat at sinabihan ko na mamatay na).

Ang haba na pala ng post ko Grin

Tapos yun galit na galit na siya sakin..sinabi pa nya aayusin ko sana ung tampuhan natin nung wednsday ng gabi kasi pinahuyan daw siya ng kaibigan namin pero di na nya itutuloy kasi sobrang nagalit siya sa mga sinabi ko sa sulat..at ako naman parang nakonsensya sa mga nasabi ko. Di ko alam kung magsosorry ba ako nalilito ako that time. Pero kapag naiisip ko ung mga nalaman ko sa chat,bumabalik ung galit ko sa kanya.

Then later that night, i received a text coming from him.. sabi nya "malinis konsensya ko at walang kasalanan sayo nanay ko. gudnight. i miss you". Parang napatalon ako sa tuwa sa sinabi niyang miss nya raw ako. Pero di ako nagreply. After 15 mins i received a text again from him, sabi na naman nya, pag di raw ako magreply wag na raw ako magtetext sa kanya kahit kailan. So ayun I asked my friend kung tama bang magreply ako. At sabi ng friend ko wag daw, "kung talagang mahal ka nya di ka nya matitiis at gagawa yan ng paraan para magsori sayo.. Isipin mo yung mga ginawa ng nanay niya sayo at ung mga ginawa niya sayo mismo..pahalagahan mo naman sarili mo." Napaisip ako dun, maraming beses na kasi nya akong pinaiyak, yun nga lang di nya alam na iniiyakan ko siya.

The following day, i was waiting for him to text me pero wala. Hanggang lumipas na ilang araw, wala tlaga. Minsan nagkikita kami sa house ng friend namin pero di nya ako pinapansin.

My problem now is I still love him. Gusto kong magsorry pero pano kung totoo ung mga nalaman ko? Di ko kasi kayang nakikita siya at di man lang makausap. Nasasaktan ako kasi sobrang mahal ko pa siya.
Do you think guys mahal parin nya ako? ayoko kasing umasa. What should I do?

Thank you sa nagtake time para magbasa sa kunwari ay short pero mahabang post pala.